Bea sa ex-BF: Wala akong ginawang masama sa ‘yo

KAYA ni Bea Alonzo na tingnan sa mata ang isa sa kanyang mga naging boyfriend sakaling magkita silang muli.

“I will just hold my head up high kasi ako ‘yung walang ginawang masama,” giit ng Kapuso actress sa isang panayam.

Walang binanggit na pangalan si Bea, pero naniniwala ang publiko na si Gerald Anderson ang tinutukoy niya dahil naging kontrobersyal ang kanilang hiwalayan.

“And just, you know, walk straight, I guess, kasi hindi ikaw ‘yung maiilang kasi ikaw yung walang bagahe sa konsensya mo, e,” dagdag niya.

Hirit pa ni Bea, hindi siya ang unang babati sa tinutukoy na ex-boyfriend dahil hindi sila magkaibigan at matagal nang putol ang kanilang koneksyon.

Matatandaan na isiniwalat ni Bea noong 2019 ay na-“ghost” siya ni Gerald bago nalaman na mayroon na itong ibang girlfriend.