Dina nag-birthday; nagpatutsada kay Alex Gonzaga

MAY patama ang award-winning actress na si Dina Bonnevie sa host-actress na si Alex Gonzaga nang mag-birthday siya kamakailan.

Sa TikTok video ng make-up artist na si Astrud Lontoc, makikitang hawak ng waiter ang birthday cake ni Dina.

Bago hipan ang kandila, sinabi ni Dina sa waiter na, “Hindi kita papahiran ng cake, magpapasalamat ako sa iyo.”

“Cakes are to be eaten and not to be pasted on other people’s faces,” dagdag ng aktres.

Matatandaan na noong ipagdiwang ni Alex ang kanyang kaarawan, pinahiran niya ng icing sa mukha ang waiter na si Allan Crisostomo.

Nagkaroon ng hidwaan sina Dina at Alex nang ihayag ng veteran actress sa mga interview ang experience niya sa pagiging unprofessional ng noon ay isang baguhang artista na nakasama niya sa teleserye.