Deportation case isinampa ni Pokwang vs ex-boyfriend

NAGHAIN si Pokwang ng petisyon para mapalayas ng bansa ang dating live-in partner na si Lee O’ Brian, isang aktor mula sa US.

Kasama ni Pokwang ang abogadong si Ralph Calinisan nang magtungo sa Bureau of Immigration sa Intramuros, Manila, Martes, Hunyo 13, 2023, para ihain ang petition for deportation.

Ayon kay Calinisan, walang working permit si O’Brian.

“Kailangan nating mabigyan ng leksyon ‘yung mga taong nang-aabuso sa batas natin, sa karapatan ng bawat babae, bawat nanay,” sabi ni Pokwang.