Daniel wapakels kina Alden, Kathryn

WALA nang pakialam si Daniel Padilla kahit ma-link pa kung kani-kanino ang ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo .

Ayon sa isang malapit sa mag-inang Daniel at Karla Estrada, hindi interesado ang aktor kung magkatuluyan sina Kathryn at Alden Richards dahil ang tinututukan nito ngayon ay ang kanyang career.

Sey ng source, blessing ang hiwalayan ng dalawa dahil ratsada sa kabi-kabilang endorsements si Daniel, na naghahanda na rin sa bagong serye nito sa ABS-CBN.

“Simula kasi December ay nag-fiesta ang mga nanlalait kay Daniel sa pag-aakalang after the said breakup with Kathryn Bernardo ay siya ring paglubog ng career ng aktor,” ayon dito.

“Inakala rin ng karamihan na walang natirang solid fans and followers si Daniel, pero nagulat sila nang napakarami pa rin pala ang nagmamahal sa aktor,” dagdag niya.

“Mag-undergo next week para sa isang UFC (Ultimate Fighting Championship) training si Daniel para sa kanyang paghahandaang teleserye sa bakuran ng ABS-CBN. Kasunod niyan ay ang isang bonggang concert hindi lang dito sa bansa kundi maging abroad,” chika pa ng source.

“You can never put a good man down.”