Caregiver dinekwat alahas ng patay, kalaboso

SELDA ang kinabagsakan ng babaeng caregiver na nagnakaw umano ng P5 milyong halaga ng alahas na naiwan ng kanyang namatay na amo.

Nasakote ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation ang suspek, 45, Sta. Cruz, Maynila.

Nabawi sa kanya ang gold bracelets, relos, at diamond rings at necklaces.

Ayon sa NBI, naisyuhan na dati ng arrest warrant ang suspek para sa kasong theft and qualified theft.

“May grupo daw sila diumano ng mga yaya at caregiver na pumapasok sa employers pero ang motibo ay pagnakawan ang mga ito sa bandang huli,” ani NBI-NCR Assistant Regional Director Attorney Joel Tovera.