Daniel mas naging busy matapos ang breakup

SUNOD-SUNOD ang trabaho ni Daniel Padilla ngayong Year of the Dragon.

Sa isang panayam, isiniwalat ni DJ na mayroon silang collaboration ni Eraserheads vocalist Ely Buendia.

“I’ll have something with Ely Buendia. May mga gagawin kami. Secret. Secret muna,” aniya.

Nakahilera rin, dagdag ng ex ni Kathryn Bernardo, ang isang concert. Pero bago ito ay maglalabas muna siya ng new song.

Samantala, pinaplantsa na ang mga detalye sa gagawin niyang mga pelikula kasama sina John Arcilla at Maricel Soriano.

Ilalabas din ngayong taon ang pelikula nila ng BFF niyang Zanjoe Marudo na “Nang Mapagod si Kamatayan.”