Confirmed: Barbie, Diego break na

KINUMPIRMA ni Barbie Imperial na hiwalay na sila ng aktor na si Diego Loyzaga.

Hindi naman inihayag ni Barbie kung umabot sila sa first anniversary nila nitong nakaraang December 12, pero sinabi niya na naging maayos ang paghihiwalay nila ni Diego.

Walang ring narinig kay Barbie kung ano ang dahilan ng hiwalayan.

Nagbabakasyon sa US ang aktor na anak ni Cesar Montano at Teresa Loyzaga.

Ginawa ng aktres ang pag-amin kay MJ Felipe ng ABS-CBN News nitong Huwebes ng gabi.
Bago ito, nagbitaw ng cryptic messages Barbie sa press.

“Totoo pala yun (self-love)…paubos na ako nang paubos, bigay pa rin ako nang bigay ng love sa ibang tao.

“Baka kaya paulit-ulit na nangyayari sa akin ito kasi di ko talaga minamahal ang sarili ko…Love yourself para buo ka,” aniya.