Honasan pasok sa senatorial slate ni Marcos Jr – Sara

PASOK na rin sa UniTeam nina dating Senador Bongbong Marcos Jr at Davao City Mayor Sara Duterte si dating Senador Gringo Honasan.

Naniniwala si Marcos Jr., na maraming maitutulong si Honasan sa Senado kung mahahalal ito bilang senador.

Si Honasan, na itinalaga ni Pangulong Duterte noong 2019 bilang kalihim ng Department of Information and Communications Technologoy, ay naghahangad na bumalik sa Senado matapos ang kanyang termino noong 2013.

Tumakbo siyang bise presidente noong 2016 ngunit natalo.

“With our senatorial slate in the Senate, we will achieve our vision of steering the country towards greatness. We have the common vision of making every Filipino proud of our race. Gusto naming ang Pilipino ay taas noo kahit kanino,” sinabi pa ni Marcos.