Coco ginulat si Gary sa Los Angeles

SINORPRESA ni Coco Martin si Gary Valenciano sa concert nito sa Los Angeles, USA nitong weekend.

Sa Instagram video, makikita si Coco na umakyat ng stage at nakipag-duet kay Gary sa kantang “Ililigtas Ka Niya,” isa sa mga theme songs ng “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Ani Gary, hindi niya alam na nasa audience ang Kapamilya actor.

“I have the most amazing experience being able to sing theme songs of what he has done, not just theme songs of ‘Ang Probinsyano,’ pati rin ‘yung mga ibang teleserye na ginawa niya. So maraming salamat Coco, I am blown away. Grabe, maraming salamat,” aniya.

Nagpasalamat din si Coco kay Gary na tinawag niya na kanyang lucky charm.

“Gusto ko lang po samantalahin ang pagkakataon na ito upang makapagpasalamat talaga kay Kuya Gary. Dahil buong parte ng career ko sa ABS-CBN, sa lahat ng show ko, halos siya po ang kumanta ng lahat sa aking teleserye. Kaya Kuya Gary, maraming-maraming salamat po talaga sa lahat,” sey ni Coco.

“Siguro masasabi ko talaga siya ang lucky charm ko sa mga soap opera ko kaya, maraming-maraming salamat at mahal na mahal po kita. Thank you so much, Kuya Gary,” dagdag niya.

Nasa US si Coco para sa “FPJ’s Ang Probinsyano Pasasalamat Tour.’