Cassy nag-twerk, Bible ibinida

NAPAKAMOT-ULO ang netizens sa eksena ng TV personality na si Cassy Legaspi sa ipinost niyang video sa Instagram.

Makikita sa umpisa ng video na nagtu-twerk ang anak nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi.

Maya-maya ay humarap ito sa kamera at ipinakita ang hawak niyang Bible.

Pinuna ng ilan ang umano’y paggamit niya sa Bibliya “for content” pero may ilan din na ipinaliwanag ang gustong sabihin ng dalaga.

“Pls, hwag gamitin yung bible sa mga pa tiktok, respect the bible. Akala nya kina buti nya.”

“Neng, hindi props ang bibliya.”

“Kaya pala ayaw ko sa kanya. Eto pala talaga yon. Shallow.”

“Ano bang nangyayari sa kambal ni Carmina, kumpleto naman ang parents. well provided naman. nasobrahan ba sa alaga?”

Sey naman ng defenders ni Cassy: “What’s the fuss? She’s just showing to us that it’s better to read the bible than doing nonsense things like twerking.”

“Alhough di ako naniniwala sa Bible pero gets ko yung message na gusto nya iparating sa videong ito. “This is the message that i get also. siguro dapat nag caption sya to explain her message.”