Carlo Aquino, Trina Candaza nagkakalabuan?

USAP-USAPAN ng mga Marites sa social media ang umano’y cryptic post ni Trina Candaza, partner ni Carlo Aquino.

“You will really know your worth to your partner if ano magiging actions niya pag wala ka na sa kanya,” chika niya.

Dagdag pa niya, kung may pinupuntahang babae ang partner nila ay huwag nang umasang magbabago pa.

“Kung may pinupuntahan na agad na babae… Wag na kayo umasang mag babago pa yung jowa niyo na sakit sa ulo, hindi na yan mag babago,” dagdag pa niya.

Mayroong baby sina Trina at Carlo.

Noonh January 13 pa ang huling post ni Trina sa Instagram kasama si Carlo at ang kanilang anak.