Guanzon hinamon si Briones ng suntukan

HINAMON ni Commission on Elections Commissioner Rowena Guanzon si Federal ng Pilipinas counsel George Briones ng suntukan matapos ang naunang pahayag ng huli na dapat siyang ipa-disbar.

“Hinamon ko si Briones sa Radyo Bombo. Suntukan kami sa Iloilo Plaza. Mayor Trenas ang referee. I have @MannyPacquiao boxing gloves hahaha!” sabi ni Guanzon sa kanyang tweet na umani na ng halos 6,000 likes as of posting time.

Matatandaang nanawagan si Briones na imbestigahan si Guanzon matapos na isapubliko nito ang kanyang boto na pumapabor sa diskwalipikasyon ni presidential bet at dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.