Carla magtitinda na rin ng sabon

ILALAKO na rin ng aktres na si Carla Abellana ang mga gawa niyang sabon sa kanyang online store kung saan mabibili ang kanyang mga second-hand accessories at appliance.

Ani Carla sa Instagram, matagal na siyang gumagawa ng sabon kaya naisipan niya na gawin na rin itong negosyo

“I will be offering my soaps for sale very soon,” ayon sa Kapuso actress sa Instagram. Ibinahagi niya sa post ang mga larawan ng mga hand-made soap na siya mismo ang lumikha.

Natural at “cruelty-free” ang mga “handcrafted” at “cold-processed” na mga sabon ng bida sa teleseryeng “Stolen Life” dahil wala itong alcohol, parabens, phthlates, palm oil, at mineral oil.

Tinawag pa niya na “therapy” ang kanyang mga “artisanal soap.”