Kyla nakunan sa ika-5 pagkakataon

NAGKAROON ng miscarriage ang singer na si Kyla Alvarez nitong December.

Ito na ang ikalimang beses niya na nakunan.

Sa “Magandang Buhay,” isiniwalat ni Kyla na naganap ang miscarriage bago magpasko.

“We’ve been struggling for years and years and years. It’s been really hard, especially very recent lang ‘yung sa amin eh. Just before Christmas actually I suffered another one (miscarriage). ‘Yun ‘yung biggest challenge,” sabi ng singer.

Bago ito, noong June 2022 ay shinare ni Kyla ang trauma na makunan sa ikaapat na pagkakataon.

“Losing you.. again..for the fourth time is unimaginable. I can’t even put my feelings into words. I am screaming and crying in my head and i couldn’t tell anyone,” aniya.

Naganap ang ikatlong miscarriage ni Kyla noong July 2021 habang ang una at ikalawa ay noong 2018.

Mayroong isang anak si Kyla at asawang si Rich Alvarez, si Toby, na isinilang noong 2013.