Carla handang harapin si Tom

PINAGHANDAAN na ng aktres na si Carla Abellana ang pagkikita nila ng dating asawang si Tom Rodriguez na bumalik na ng bansa para i-resume ang acting career.

Ani Carla, nagulat siya nang malaman na nakabalik na ng Pilipinas si Tom.

“I didn’t even know, ngayon ko lang nalaman. I don’t feel you know intimidated, scared, nervous. Wala namang ganoon. Of course artista siya, may obligation siya, he is a Kapuso, dadating naman talaga ‘yun na babalik siya sa trabaho. Hindi mo maiiwasan yan. I thought about it many times. Expected ko naman yan,” pahayag ni Carla sa isang panayam.

Gayunman, ani Carla walang problema sa kanya kung magkita sila ni Tom dahil iisang network lang ang ginagalawan nila.

“I think OK lang; ready naman ako. Hindi naman ako yung type na ay ayoko or avoid or what, you know it’s inevitable ika nga,” sey niya. Nagpunta si Tom ng US noong 2022 nang magkahiwalay sila ni Carla.