Cardi B may bagong baby

NAGSILANG ng kanyang ikalawang baby ang American rapper na si Cardi B nitong September 4.

Masayang winelcome ng rapper at ng kanyang asawa na kapwa rin na rapper na si Offset ang kanilang baby sa pamamagitan ng isang Instagram post.

Sa kanyang post, pinakita ni Cardi B ang kanyang larawan kasama ang mister na si Offset at kanilang newborn baby boy habang nasa hospital bed na kanyang nilagyan ng caption “9/4/21”.

Ikinasal ang dalawang rapper noong 2017 at unang nagkaroon ng kanilang baby noong 2018 at pinangalanang si Kulture.