BTS tuloy ang concert sa US sa Abril

TULOY na tuloy na ang pagbabalik ng global phenomenon South Korean boy band BTS sa Estados Unidos para sa serye ng concert sa Las Vegas simula sa Abril, ayon sa kanilang ahensiya.

Ang serye ng concert ay bahagi ng “Permission to Dance on Stage” tour na naantala dahil sa epekto ng coronavirus pandemic.

Gagawin ang concert sa Abril 8-9 at 15-16. Ang huling show ay ila-livestream, ayon sa Bit Hit Music, ang ahensiya ng grupo.