Bossing, Pauleen expecting Baby No. 2

EXCITED ang netizens para sa mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna dahil magkaka-baby na muli ang dalawa.

Ito ay matapos ang ilang linggo ng mga haka-haka at kumpirmasyon na rin ni Pauleen na siya ay buntis sa pangalawan anak nila ni Bossing.

Inanunsyo ni Pauleen ang balita sa pamamagitan ng video ng panganay na si Tali na nagsasayaw na hawak ang mga lobo na may nakasulat na “Big Sister.”