Belle Mariano nag-shopping sa Divi

SUOT ang long sleeves, cap, face mask at salamin, nagawang makapag-shopping sa Divisoria nang hindi pinagkakaguluhan ng fans ang Kapamilya actress na si Belle Mariano.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Belle ang mga photos at video ng pag-iikot niya sa mga pasilyo ng isang gusali sa nasabing shopping mecca.

“Divisoria Day!! Had too much fun going around,” caption niya.

Isa sa mga napamili ang nagte-trending ngayon na hairclip na bibe.

Bagamat naka-disguise ay may mangilan-ngilang fans ang nakakilala sa aktres at nagpakuha ng photo.

Matatandaan na ang Divisoria at Binondo ang ilan sa location ng teleserye nila ni Donny Pangilinan na “Can’t Buy Me Love.”