Maris nakuha si Rico sa dasal

MATINDI ang ginawang panalangin ni “Can’t Buy Me Love” star Maris Racal para makatagpo ng isang lalaki na kagaya ni singer-songwriter Rico Blanco.

Sa vlog ni Dra. Vicki Belo, inamin ni Maris na bata pa lang siya ay crush na niya ang dating miyembro ng OPM band na Rivermaya.

“Noong nag-artista na ako, siguro mga ilang years na rin ako sa showbiz noon, may nagtanong sa akin na ‘Anong type mo sa lalaki?’” aniya.

“Ewan ko. Parang gusto ko ‘yung Rico Blanco na look tapos gusto ko ng music. Na mahilig siya sa music. And then, gusto ko ng actually younger version ni Rico Blanco,” ang sagot daw niya.

Ikinuwento ng aktres na todo-post siya sa kanyang private Facebook account na sana ay bigyan siya ni Lord ng “younger version” ni Rico.

“I kept posting on my private Facebook na ‘Lord, bigyan n’yo naman ako ng younger version ni Rico.’ Like super crush ko talaga siya,” sabi niya.

Dahil love moves in mysterious ways ay nasorpresa na lang siya nang mismong si Rico ang nakatuluyan niya.

“Hindi ko naman in-expect na siya ‘yung ibibigay ni Lord, hindi ‘yung younger version,” chika pa ni Maris.

Sa March 24 ay ipadiriwang nina Maris at Rico ang kanilang ikalimang anibersaryo bilang mag-dyowa.