Bea sukang-suka sa isang ex-BF: ‘Ayoko siya ka-work’

MALIBAN sa isa, payag si Bea Alonzo na makatrabaho ang kanyang mga ex-boyfriends.

Sa interview ni Barbie Forteza, sinabi ni Bea na walang problema kung makakatrabaho niya ang mga dati niyang nakarelasyon, kabilang si Zanjoe Marudo.

“(Pero) depende kung sinong ex. Kay Zanjoe, okay akong makipag-work. Isa lang naman ‘yung ayokong ex,” sey ni Bea.

Ayon kay Bea, naghiwalay silang magkaibigan ni Zanjoe.

“Hindi kami ugly breakup. Until now, we’re friends. It would be disrespectful to our relationship if we ended it badly,” paliwanag niya.

Idinagdag niya na kaya niyang paghiwalayin ang pag-arte sa kanyang personal na nararamdaman.

“Hindi ako takot sa gano’n because I know my boundaries as an actor,” sabi pa niya.

Marami naman ang naniniwala na si Gerald Anderson ang isinusukang ex-boyfriend ni Bea.

Matatandaan na na-“ghost” ang premyadong aktres ni Gerald dahil umano kay Julia Barretto.