Bea Alonzo, Alden Richards bibida PH adaptation ng K-drama na ‘Start-Up’

BIBIDA ang aktres na si Bea Alonzo at Alden Richards sa Philippine adaptation ng Korean drama na ‘Start-up.’

Shinare naman ni Alden sa publiko ang excitement niya sa bagong proyekto with former Kapamilya actress. Chika pa niya, napanood niya ang nasabing K-drama at masarap ang feeling na mabigyan siya ng oportunidad na gawin ang PH adaptation nito.

“Napanood ko rin po siya and excited ako,” chika ng aktor.

“This is my first K-drama adaptation project. Parang ang sarap lang sa pakiramdam na mabigyan ng opportunity to be able to do something na hinahanap ng audience,” dagdag pa niya.

Para naman kay Bea, inalok sa kanya ang proyekto bago lumipat sa GMA Network at ito ang nagtulak sa kanya na maging Kapuso.

Noong Enero unang napabalita siya at si Alden ang bibida sa nasabing K-drama.