Angeline Quinto nailuwal na si baby Sylvio

NANGANAK na nitong Miyerkules ng gabi, April 27, ang Kapamilya singer na si Angeline Quinto.

Sa Instagram, ibinahagi ni Angeline ang photo ng kanyang mag-ama.

“Love at first sight,” caption niya.

Base sa isa pang photo, nanganak ang singer alas-10:22 ng gabi.

“Hello!!! Baby Sylvio,” aniya.