Angelica Panganiban nagpasalamat sa pamilya ni Juday

LABIS ang pasasalamat ng bagong panganak na aktres na si Angelica Panganiban sa pamilya ng mag-asawang Ryan at Judy Ann Santos Agoncillo.

“THANK YOU Agoncillo family sa lahaaaat lahat. Napakabuti niyo sakin, kay Gregg at ngayon kay Bean.”

Chika ni Angge, hindi tumigil si Juday na magpadala ng care packages nang simula pa lang siya nagbubuntis hanggang siya ay makapanganak.

“Kulang na lang siya magpaanak sakin,” dagdag pa ni Angelica kay Juday.

“Isang araw habang dinadama ko ang pag iyak sa loob ng 3hrs. (Postpartum na kaya yun?) nag suggest si Gregg na baka gusto ko makita si ate, para na rin sa mental health ko. Agad agad ko inavail ang offer niya. At eto na nga ang itsura ng pagtitipon ng mga pamilya namin,” sey pa niya.