Angelica Panganiban hindi buntis

SINABI ni veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin na hindi buntis ang aktres na si Angelica Panganiban.

“Eto na naman tayo sa kwento kay Angelica Panganiban. Ang matindi nang sakit ng ating mga kababayan, na kapag malaki-laki lang ng konti ang suot na damit ng artista ay nagdadalang-tao na. Okay, kapag pumayat, nagpa-abort,” chika ni Nay Cristy.

Sinabi pa niya na nagkataon lamang na maluwag ang damit ni Angge kaya akala ng netizens ay buntis ito.

“Si Angelica Panganiban po ay mas madalas nang nasa Subic kasama ang kanyang boyfriend na si Gregg Homan. Pumupunta na lang po siya dito sa Maynila kapag may trabaho. E nagkataon, nu’ng one time maluwag ang damit ni Angelica, ano ang sabi ng mga Marites?” ani Cristy.

“Ay, Jontis na yata si Angelica’. Grabe, agad-agad, ‘di ba, Nay?” sagot naman ni Rommel, co-host ni Cristy.

Pero chika niya, kung totoo mang buntis si Angge, ibig sabihin nito ay sigurado na siya sa kanyang partner ngayon.

“Kung totoo man na nagdadalang-tao na siya, siguradong-sigurado na siya sa kanyang ka-partner.”

“Hindi pa siguro at kung sakali nga po na totoo ang kwento na nagdadalang-tao na siya, mayroon naman po siyang kapareha. Posible naman po ang kasalan, hindi na po bumabata si Angelica. Natural lang na mangarap siya na maging nanay na at magkaroon na talaga ng anak.”