Anak happy sa bagong GF ni Andrew

WALANG hinanakit si Andrea Schimmer na nakatagpo na ng bagong mamahalin ang daddy niyang si Andrew Schimmer.

Sa panayam ni Julius Babao, sinabi ni Andrea na masaya siya dahil masaya ang kanyang ama.

“Sana forever na talaga this time,” sey niya.

Inamin ni Andrea na “skeptical” siya nang unang malaman na may ipinalit na ang ama sa namayapa niyang mommy Jorhomy Rovero.

Pero, dagdag ng dalaga, nagbago ang sentimento niya nang makita kung paano napapasaya ng kanyang Tita Dimps Greenvilla ang daddy niya.

Naisip din niya na alam niya masaya na rin ang mommy niya sa kabilang-buhay dahil may katuwang na ang ama sa buhay.

“Since wala na po si mom ko here physically, I’m sure she’d be happy din naman po na may makatulong kay Daddy maka-move on,” sabi ni Andrea.

Dagdag pa niya, nabawasan din ang lungkot nila ng kapatid niyang si Xander nang maging bahagi ng kanila pamilya si Dimps. Payo naman niya sa ama para magtagal ang relasyon nito sa girlfriend: mas maging romantic at sweet.