Kagawad nanghuli ng pasaway, inatake sa puso

INATAKE sa puso at namatay ang barangay kagawad habang dinadakip ang mga lumabag sa health protocols sa Kidapawan City noong Linggo ng hapon.


Ayon sa ulat, rumoronda ang grupo ni Jim Batislaon ng Brgy. Singao, nang maispatan nila ang dalawang teenager na sakay ng motorsiklo kaya pinara nila ito.


Hindi naman huminto ang driver kaya hinabol ni Batislaon at mga tanod ang mga ito. Nakorner naman agad ang dalawa at dinala sa checkpoint para gawan ng ulat.


Patungo na sa presinto si Batislaon sakay ng motorsiklo kasama ang isa sa mga teenager nang bigla itong malaglag. Ayon sa mga saksi, nakita ang kagawad na hawak-hawak ang dibdib at tila hindi makahinga.


Agad isinugod sa ospital ang biktima pero hindi na naisalba ng mga doktor ang kanyang buhay.


Sinabi ng mga tanod na kasama ng biktima na masyadong mainit noong nga oras na iyon na maaaring naging dahilan ng atake sa puso.