2 magkapitbahay kinidlatan, todas

NASAWI ang 71-anyos na babae at ang 51-anyos niyang kapitbahay nang tamaan sila ng kidlat habang nakasilong sa kubo sa Liloan, Cebu.


Naitakbo pa sa Eversley Child’s Sanitarium and General Hospital sina Nisa Momo at Roselio Antogop pero idineklara silang dead on arrival.


Ayon sa ulat, dahil sa malakas ang ulan ay nakasilong ang dalawa sa kubo na pag-aari ni Momo sa Purok Gambia, Brgy. Poblacion alas-2 ng hapon nang tamaan sila ng kidlat.


Napag-alaman na nakatayo ang kubo sa lupang pag-aari ni Momo, na seller ng mga halaman.