Pulis tumagay, nagbaril sa sarili

PATAY ang pulis-Quezon City makaraang niyang barilin ang sarili sa dibdib habang nakikipag-inuman sa mga kasamahan sa Brgy. Commonwealth noong Linggo ng umaga.


Kinilala ang nasawi na si Cpl. Huginio Wayan, 31, nakatalaga sa Kamuning Police Station.


Inaalam pa ng mga imbestigador kung nag-suicide ang biktima o binaril lamang niya ang kanyang sarili dahil sa kalasingan.


Ayon sa ulat, nakikipag-inuman si Wayan kina Cpl Harold Mendoza, Cpl Sherwin Rebot at sibilyan na si Lorenzo Lapay nang kunin niya ang service firearm ni Rebot.


Itunutok niya ito sa kanyang dibdib at sinabing babarilin niya ang sarili.


Hindi na nito hinintay ang sagot ng mga kasama at agad na kinalabit ang gatilyo. Dead on the spot ang biktima.


Nakuha sa pinangyarihan ang mga baril ni Rebot Mendoza at Wayan.


Kasalukuyang iniimbestigahan ang kaso.