Guro iniligtas nalulunod na katrabaho, nasawi

NALUNOD ang isang guro mula sa San Roque High School sa Camarines Sur makaraan nitong sagipin ang nalulunod na katrabaho nitong Martes, iniulat ng pulisya.

Naganap ang insidente sa kasagsagan ng bagyong Florita.

Ayon sa ulat, pauwi sina Romeo Sison Jr. at Gemmo Intia sakay ng bisikleta nang mahulog sila sa ilog malapit sa San Vicente spillway sa bayan ng Bato.

Nailigtas ni Sison si Intia pero hindi na umano nakaahon ang una dahil sa makapal na water lily.

“Inananod siya ng malakas na ragasa ng tubig na naging rason para mapunta siya sa lugar na kung saan mas malalim ang tubig,” ayon sa imbestigador.

Narekober ang katawan ni Sison makaraan ang dalawang oras.

Bato-MDRRMC, San Roque Barangay Council/Facebook