2 pa nawawala sa lumubog na barko sa Batangas

DALAWA pang pasahero ng nasunog na MV Asia Philippines malapit sa Batangas port ang patuloy pa ring pinaghahanap ng Philippine Coast Guard.

Sa report ng PCG, sa 49 pasahero at 38 crew na sakay ng barko, dalawa pa ang nawawala.


Sa listahan ng PCG, kabilang sa sakay ng barko ay isang bata, dalawang senior citizens, tatlong estudyante at tatlong persons with disability.

Isang 43-anyos na babae ang dinala sa ospital dahil sa injury.

Sa huling update, sinabi rin ng PCG na wala itong nakitang traces ng oil spill mula sa nasunog na barko.

Sumiklab ang apoy Biyernes ng hapon sa loob ng barko habang patungong Batangas. Galing ito sa Calapan sa Mindoro.