Davao Occidental niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

NIYANIG ng magnitude 6.1 ang Davao Occidental kaninang alas-10:26 ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sinabi ng Phivolcs na naitala ang lindol na may lalim na 33 kilometro sa 275 kilometro silangan ng Balut Island, Sarangani, Davao Occidental.

Idinagdag ni Phivolcs na wala namang banta ng tsunami sa bansa sa kabila ng malakas na lindol.