Carrots bagsak-presyo sa Benguet; halos ipamigay na lang

HALOS ipamigay na ang presyo ng carrots na ibinibenta ng isang vegetable seller sa Balili, La Trinidad, Benguet.

Ayon sa seller, wala silang naibenta sa trading post dahil walang bumibili.

Kaya imbes na mabulok, ipinagbibili na lang nila ito sa kalsada.

Mababasa sa karatula na P10 isang kilo o pang-gas na lang ang presyo ng bagong harvest na gulay.

Sa mga interesado, matatagpuan ang puwesto sa likod ng Engineering bldg. ng Benguet State University sa Brgy. Cabanao.