Buntis patay sa kagat ng ahas; sanggol buhay


HIMALANG nabuhay ang sanggol na tinanggal sa sinapupunan ng ina nito na namatay sa kagat ng ahas sa Diffun, Quirino nitong Miyerkules.


Ayon sa ulat, isinugod sa Diffun District Hospital ang isang agaw-buhay na buntis na nakagat ng ahas. Pero bago pa magamot ang biktima ay namatay ito.
Agad namang nagsagawa ng post-mortem caesarean ang doktor upang sagipin ang sanggol.


“On his assessment, Dr. Moises V. Lazaro, the Chief of Hospital opted for immediate post-mortem cesarean wherein the baby was about to die. At last, the baby was successfully revived,” ayon sa pahayag ng ospital sa Facebook post.


Kasalukuyang nasa ICU ng Quirino Province Medical Center ang sanggol.