Boy Ahas’ natuklaw ng kobra, tigok

NASAWI ang isang 62-anyos na lalaki na kilala dahil sa husay sa paghuli ng ahas makaraang tuklawin ng kobra sa Mangaldan, Pangasinan.


Ayon sa ulat, dead on the spot ang biktimang si Bernardo Alvarez ng Brgy. Lanas makaraang atakihin ng ahas.


Tinangka pa umanong itakbo ng mga kapitbahay ang biktima sa ospital pero patay na ito nang idating.


Napag-alaman na binansagang Boy Ahas si Alvarez dahil sa galing nito sa paghuli ng mga ahas sa kanilang lugar.


Sinabi sa ulat na parang hindi rin umano ito tinatablan ng kamandag ng mga ahas na nahuli niya.