Pamilya maling bangkay ang inilibing

SINISI ng pamilya ang isang ospital sa San Fernando, Pampanga kaya ibang bangkay ang kanilang inilibing.


Ayon sa pamilya Pasion, namatay ang kanilang Lolo Benigno, 75, dahil sa Covid-19 nitong Sabado.


Kaagad nila itong inilibing bilang pagsunod sa panuntunan ng pamahalaan.


Nanlumo naman ang pamilya nang tawagan sila ng ospital at sabihin na maling bangkay ang naibigay sa kanila.


Humingi na ng paumanhin ang pagamutan at sinabing sasagutin nito ang paglilibing sa matanda.


Walang magawa ang pamilya kundi makipagtulungan sa ospital para makuha ang bangkay ng kanilang kaanak at mailibing na ito.