Batanes inuga ng magnitude 5.2 na lindol

NIYANIG ng magnitude 5.2 na lindol ang Batanes alas-9:53 kagabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sinabi ng Phivolcs na naitala ang lindol, na may lalim na 29 kilometro, 40 kilometro ng Basco, Batanes.

Naitala ang intensity 3 sa Basco, Batanes.

Idinagdag ng Phivolcs na walang naitalang pinsala bagamat inaasahan ang mga aftershocks.