Birthday wish ni Digong: Clean, fair, honest election

MAY isang katangi-tanging hiling para sa kanyang kaarawan si Pangulong Duterte — ito ay ang maging malinis, patas at tapat na halalan sa Mayo 9, ayon sa Malacanang.

Magdiriwang ng kanyang ika-77 kaarawan ang pangulo sa Lunes, Marso 28.

“We join all our countrymen in wishing our beloved President Rodrigo Roa Duterte a happy 77th birthday on March 28,” ayon kay Acting Presidential Spokesperson Martin Andanar sa isang kalatas.

Magse-celebrate ng kanyang birthday ang pangulo sa Davao City.

“His birthday wish for this year is to have a clean, fair, and honest election in May 2022, as he has time and again underscored the importance of a peaceful transfer of power as part of his enduring legacy,” dagdag pa ni Andanar.