7 patay sa sunog sa barko sa Real, Quezon

PITO ang nasawi matapos na masunog ang isang pampasaherong barko sa Real, Quezon, pasado alas-6 ng umaga ngayong Lunes, ayon sa Philippine Coast Guard.

Ayon sa PCG, umalis ang Mercraft 2 sa Polilio Island alas-5 ng umaga patungong Real, Quezon kung saan sakay nito ang 124 pasahero.

Base sa inisyal na ulat, bigla na lamang sumiklab ang barko, 1,000 yarda na lamang ang layo mula sa Port of Real, Quezon.

Mahigit 100 pasahero naman ang nailigtas mula sa sunog.