Mahigit 600 ballot box dumating na sa Kamara

DUMATING na ang mahigit 600 ballot boxes sa Kamara na naglalaman ng mga certificate of canvass para sa pagkapangulo at bise president kaninang pasado alas-5 ng umaga para sa gagawing canvassing.

Inihatid ang mga ballot boxes ng mga military trak na inaasahang makukumpleto bago ang nakatakdang pagsisimula ng canvassing ngayong Martes, May 24.

Uupong National Board of Canvassers ang mga miyembro ng Kamara at Senado.