4 patay sa nag-amok na sundalo sa Cagayan de Oro

NAG-AMOK ang isang sundalo at napatay ang apat niyang kasamahan habang natutulog ang mga ito sa kanilang barracks sa 4th Infantry Division headquarters sa Cagayan de Oro City Sabado ng madaling araw.

Ayon sa report ng pulisya, nag-amok si Private Johmar Villabito ala-1 pasado ng madaling araw, at pinagbabaril ang kanyang mga kasamahan na sina Private Joseph Tamayo, Patrolman First Class Prince Kevin Balaba, Sgt. Rogelio Rojo, at Cpl. Bernardo Rodrigo habang natutulog ang mga ito.

Sugatan pa ang isang sundalo na si Staff Sgt. Barulio Macalos Jr.

Nasawi rin ang suspek matapos siyang pagbabarilin ng kapwa niya sundalo na sina Pvt. Mark Anthony Aguined at Pfc. Joseph Estrada.

Ayon sa pulisya, binaril ng suspek ang mga biktima nang walang kadahilanan.