4 bangkay natagpuan sa abandonadong kotse sa Rizal

NATAGPUAN ang apat na bangkay sa isang abandonadong sasakyan sa barangay Macabud, Rodriguez, Rizal, Lunes.

Ito ay matapos ireport sa pulisya ng isang residente tungkol sa Nissan Almera na kotse na may plakang NGU 1923 na may bangkay ng dalawang babae at dalawang lalaki.

Nakaparada ang abandonadong sasakyan sa Sitio Licao-licao, barangay Macabud, at dalawa sa mga biktima ay nakilalang sina Robert Ryan Amarillo, 40, at residente ng Lucena City, Quezon; at Carl Pabalan, 51, ng Tayabas City, Quezon.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ang insidente at inaalam pa rin ng pulisya ang pagkakakilanlan ng dalawa pang biktima.