Kit Thompson nag-sorry kay Ana Jalandoni

ISINIWALAT ng sexy actress na si Ana Jalandoni na humingi ng tawad ang dating partner na si Kit Thompson sa kanyang Instagram account.

“Nagmessage siya through Instagram to say sorry,” kwento ni Ana kay Boy Abunda.

Hindi naman sumagot si Ana sa message ni Kit.

Ayon pa sa aktres wala na siyang balak makipagbalikan sa aktor dahil hindi niya anya tiyak kung magbabago pa ito.

Binalikan din niya ang panahon na arestuhin si Kit ng pulisya.

“Ayusin niya ‘yung buhay niya. Matuto siya sa mga pagkakamaling ginawa niya. Kailangan niya ng tulong, Tito Boy. Promise,” dagdap pa ni Ana.

“Kahit masakit ‘yung ginawa niya sa ‘kin pero naiintindihan ko pa rin siya. Hindi ko alam kung bakit.”

Nagpasalamat din siya sa pamilya at mga kaibigan na sumuporta sa kanya matapos ang insidente.

“Wala na akong confidence sa sarili ko. Promise. Napapangitan na ako sa sarili ko. Pag tumitingin ako sa salamin, nakikita ko ‘yung nangyari,” sinabi niya.

“Parang nawala ‘yung Ana na masayahin, friendly. Nawala ‘yung kasiglahan ako,” dagdag pa niya.