1 patay sa hazing sa Davao City; 8 frat members arestado

WALO ang inaresto ng pulisya nitong Linggo kaugnay sa pagkamatay ng isang miyembro ng fraternity sa Davao City nitong Linggo.

Natagpuang patay si Ceazar Saplot, pledgee ng Alpha Kappa Rho Fraternity, Alpha Delta Center, sa Purok Santo Nino, Sison Village, Upper Mandug, Buhangin District, Davao City, matapos makarating ang impormasyon sa Mandug Police Station.

Dahil dito nagsagawa ng followup operation ang mga pulis na siya namang nagresulta sa pagkakaaresto ng walong suspek na nakilalang sina Jeremiah Obedencia Moya; Leji Wensdy Ofecio Quibuyen; John Lloyd Garciano Sumagang; Harold Joshua Sagaral Flauta; John Steven Baltazar Silvosa; Ramel John Potenciano Gamo; Gilbert Escodero Asoy, Jr; at Roseller Andres Gaentano.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 8049 o Anti-Hazing Law.

Anim na iba pa ang pinaghahanap ng suspek na tumakas matapos ang insidente.

Kinilala ang mga ito na sina Ryan James Ranolo; Harold Gocotano; John Bacacao; Cherie Norico; Kadjo Matobato at George Regalado.