Streetboys sinimulan ‘We Stand With Vhong Navarro’ movement

BILANG suporta sa kanilang ka-miyembro na si Vhong Navarro, sinimulang ng dance group na Streetboys ang “We Stand With Vhong Navarro” movement.

Kasalukuyang nakakulong si Navarro sa National Bureau of Investigation detention center sa bisa ng warrant of arrest na inisyu
ng Taguig Regional Trial Court Branch 69 kaugnay sa kasong rape na isinampa ni Deniece Cornejo.

“Let’s all unite and share this thread to show our support to brother Vhong Navarro. We need your help na mabigyan sya ng hustisya. Matagal namin kakilala si Vhong at naniniwala kaming buong grupo na s’ya ay inosente,” ayon sa Streetboys sa kanilang social media accounts.

Gumamit naman ang grupo ng mga hashtags na #WeBelieveVhong at #JusticeForVhong.

“Please use this photo to show our support. Paki-repost sa wall or gawin n’yong profile picture kayo na po ang bahala. Kailangan niya ang ating mga dasal at suporta. Magsama-sama tayong magdasal na mabigyan ng hustisya ang nangyari sa ating pinakakamamahal na kaibigan,” dagdag ng dance group.