Deniece hindi tatantanan si Vhong

INIHAYAG ng kampo ni Deniece Cornejo na bahala na ang hukuman sa mga kaso na isinampa nila laban sa actor-host na si Vhong Navarro.

Gayunman, sinabi ng abogado ni Cornejo na si Atty. Ferdinand Topacio na pursigido ang kanyang kliyente sa kaso at nangako ang huli na dadalo sa bawat pagdinig sa korte.

“From the last conversation with her, I have gathered na pursugido po siya. Siya po ay dadalo kung kailangang dumalo sa hukuman sa mga kasong isinampa namin,” aniya.

Dagdag ni Topacio, idinaan nila sa proseso upang maapela ang reklamo laban kay Navarro at naghintay nang matagal para gumulong ang kaso.

Pinuri naman ng abogado si Cornejo sa pagiging maka-Diyos matapos ang mga dinanas sa ilang taon mula nang maganap ang krimen.

“Through all this ordeal that she has been through she has found God. At very religious po siya ngayon,” ani Topacio.