Pacman kakausapin nang masinsinan si Digong

NAIS kausapin ni Sen. Manny Pacquiao si Pangulong Duterte kaugnay sa ginanap na national assembly ng ruling PDP-Laban.


Ayon sa party executive director na si Ron Munsayac, hindi aalis ng partido si Pacquiao, ang presidente ng PDP-Laban.


Dagdag niya, gustong makausap ni Pacquiao ang Pangulo upang liwanagin kung paano nakapag-convene ang PDP-Laban gayong ang party chairman at party president lamang ang pwedeng gumawa nito.


“To remedy this, we actually are requesting a meeting with our party chairman so that both the top leaders of our party can sit down, fix agenda and then we can properly call and convene the real and legal national council,” ani Munsayac.


Dagdag niya: “Kausap ko po si Senator Manny last night at wala po talaga siyang intensyon to leave the party.”


Sa kasalukuyan ay abala si Pacquiao sa mga trabaho niya sa Senado at paghahanda sa susunod na laban sa boksing.