P530M intel funds ni Sara tuloy

NGAYON na pasado na sa Senado ang 2023 national budget, kasama rin sa naipasa nitong Miyerkules ay ang P530 milyong confidential and intelligence funds ni Vice President Sara Duterte.

Sa naipasang CIF nito, P30 milyon ang mapupunta sa CIF niya bilang Education secretary.

Hindi rin ginalaw ang CIF ni Pangulong Bongbong Marcos na nagkakahalaga ng P4.5 bilyon.

Una nang kinuwestyon ng mga taga-oposisyon ang hinihiling na CIF ni Duterte bilang DepEd secretary.