6 NPA patay sa enkwentro sa Northern Samar

ANIM na hinihinalang miyembro ng New People’s Army ang nasawi matapos ang enkwentro sa pwersa ng pamahalaan Miyerkules ng umaga sa Las Navas, Northern Samar.

Ayon sa 803rd Infantry Brigade, natunton din ang kuta ng mga rebelde na sinasabing nagsisilbing taguan ng may 60 miyembro ng NPA.

Nakuha sa abandonadong kuta ay 16 na matataas na kalibre ng baril.

Kabilang ang anim na nasawi sa NPA’s Eastern Visayas Regional Party Committee.

Bukod sa anim na nasawi, isang 10-anyos na bata at dalawang sundalo rin ang nasugatan sa ekwentro na nangyari sa barangay Imelda, bayan ng Las Navas.