Mula sa selda, de Lima naghain ng kandidatura

NAGHAIN ng kanyang certificate of candidacy si Senador Leila de Lima para sa reeleksyon sa 2022 elections.

Ginawa ni De Lima ang paghahain ng COC sa pamamagitan ng kanyang representative at spokesperson na si Atty. Dino De Leon.

Dumating si De Leon sa Harbor Garden Tent ng Sofitel Hotel sa Pasay City alas-10 ng umaga Biyernes, huling araw ng filing ng COC.

Limang taon nang nakakulong si De Lima dahil sa diumano’y link nito sa illegal drugs trade sa New Bilibid Prisons noong siya ay naging kalihim ng Department of Justice sa panahon ng yumaong dating Pangulong Noynoy Aquino.

Tatakbo si De Lima sa ilalim ng tiket ni Vice President Leni Robredo.